Router
a. PPPPoE Setup or Static Setup pwede din.
b. Siya pa din ang router mo – Multi-WAN – Multi VLAN – Hotspot – Etc
c. Siya pa din magbibigay ng IP
d. siya pa din ang mag authenticate ng users mo
OLT
a. bale source of light lang siya
b. Layer 2 Switch lang ito pero meron ding Layer 3 na pwede din sya mag authenticate
c. no routing dito – pwedeng PLUG AND PLAY ito no setup necessary
d. remember, lets consider this as a switch lang for simplicity
e. Be mindful of VLANs kung magpapatagos ka, but basically same VLAN setup ng mga edgeswitch ang idea nito if ever ang hotspot mo ay through VLAN.
Splitters
Splitters divide the signal in order for us to be able to connect the clients sa poste. Picture is 16 port PLC cassette splitter with pigtail
Nap Box
a. So dito na manggagaling ang papuntang client
b. so bakit 1:8 splitter sa plc then 1:8 din itong nap box? Kasi ang pwedeng kargahin ng isang PON port sa OLT natin ay 64. so insiplit natin ng 8’s para 8×8 = 64. gets? Meaning whatever splitting ang gawin mo, basta mag equal sya sa 64. Pwede ding 4×16. pwedeng 2×32. Pero sa setup sa mga baryo mas ok yung isang poste, 8 ports lang. bahala ka na magdesign yung sa tingin mo ay mas ok ang 16 ports. mag compute ka kung mas makakatipid ka ba sa mas kokonting NAP box or mas maiiksing fiber cable.
c. then yung input nito, suggestion ko is fusion na din.
d. regarding sa wire papunta sa NAP, ok, pwede kayong mag 4 core or 8 core or single core. bale ang mangyayari kung multi core, bawat nap na dadaanan nya, iwan mo yung isang hibla ng fiber, tapos tuloy lang yung iba. halimbawa, 4 core, hugutin mo yung isa, ifuse mo sa input ng core na yun pero yung 3, tuloy sa next na NAP
LCP
a. basically first split mo ito
b. walang lalabas na client dito
c. dito sa LCP lahat manggagaling ang source ng mga client NAP Boxes
Client Modem
a. 2 options tayo dito
b. option 1: kung new client, pwedeng rekta onu modem with wifi na sya tulad ng ZTE, 5v5, huawei 8456m etc etc yung mga may wifi na onu/ont.
c. option 2: kung client upgrade from wireless, pwedeng onu modem no wifi lang then isaksak mo pa din yung existing wifi router nya. tulad ng hg8120c, hg8310 etc etc
d. what about outdoor terminals? house brackets? mid span clamp, fclamp, etc? bahala na kayo dun kung pano diskarte nyo na maglatag ng fiber.
e. authentication: pwedeng ang authentication nito sa server is MAC address based or pwedeng PPPoE or pwedeng both