1. Ok lang ba maghalo ang green at blue na sc connector?
Answer: technically ou, pero expect mo na may loss na 3 pataas pero pwedeng ang splitter is blue, then yung sc con na gagamitin mo dun is blue, pag dating sa client ang modem ay green so green ang gagamitin mong sc con sa client side lang.
2. Ano pagkakaiba ng FBT at LCP style
Answer: Si FBT or cascading style, yung cable nya from OLT direct to NAP to next nap to next nap etc etc. si LCP style, is 1 mother nap to multiple child nap. si FBT unbalanced ang paghati nya sa ilaw or signal, si LCP style, equally shared sila.
3. FBT splitter ba ang gagamitin?
Answer: Hindi, si FBT ay connector lang ng main line or backhaul mo, ang splitter mo to client is PLC pa rin, yung normal na splitter pa din.
4. Pwede bang more than 64 ports ang ilalatag?
Answer: Yes, pwede naman, EPON ang OLT mo meaning 64 clients lang ang max pero ang nilatag mo is 8naps x 16ports. Ok lang yan basta alalahanin mo, 64 clients lang pwede mo ilagay
5. Pwede bang OLT then media con? Or pwede bang media con tapos 8port splitter na?
Answer: No, OLT is for point to multi point, media con is for point to point. tsaka meron pong protocol na dumadaan kay OLT na sasaluhin ni ONU kaya need po ng OLT
6. Pwede bang walang mikrotik?
Answer: techinically yes, pero si mikrotik kasi ang trabaho nya is maglimit kay client. may way pa din naman na maglimit sa olt mismo pero medyo madugo at saka medyo madugo din mag diagnose ng problem if ever. kaya mas ok kung may mikrotik or kahit anong router na merong way na mag limit ng bandwidth kay client