Basic loss and requirement
Bago mo basahin ito, kung hindi ka masyadong marunong sa naming convention ng fiber, basahin mo muna yung basic fiber to the home (FTTH) diagram para maintindinhan mo kung paano nakarating si internet from sa server mo papunta kay client subscriber
BASIC FTTH or Fiber to the Home Diagram – click me!
a. first basis is yung modem na gagamitin natin kung ano yung acceptable na reading. Itong first pic, dashboard ni globe modem ito, pag pinasok mo yung 192.168.254.254 meron kang makikitang ONT information sa bandang gitna. Etong reading na to is for 1gbps globe ko, so far, ok pa naman ang performance. nakaka pag speed test naman ng around 1gbps talaga
b. Eto next picture naman yung pag napasok mo yung admin at sa Optical Information – makikita mo yung RX Optical Power na ang parameters nya is -27 to -8 so meaning puwede siya between those numbers. Nasa -19 tayo so pasok sya. Naka experience na kami ng nag read ng -25 at hindi ok yung internet nya. may RTO and sumasagad around 300mbps lang yung speed test. Remember, nasa negative tayo, so mas maliit ang -27 dBm kesa -8 dBm
c. Next pictures ay 500mbps PLDT, so far ok naman sila at pasok naman talaga sila sa parameters ng modem
d. so what if nag over and under ka or nasa borderline ka na? – medyo unstable ang internet. Madalas RTO kahit yung kapitbahay mo e ok naman net nya and kadalasan, yung tipong hindi mo makuha yung tamang speed. ang rule ko pag nagpapakabit ako ng bagong line, hindi ako pumipirma unless na less than 20 dBm sya, yang -20.32 dBm sa Globe 200 ko, twice fusion yan kaya medyo mataas ang reading
Reading ng dBm at saan i rereading sa network
- Sa pag re-read kasi, kailangan natin sundan yung network natin from OLT to Client ONU/ONT modem para malaman kung saan nagkakaroon ng failure. Unang itackle natin is yung setting ng optical reader. Ang ginagamit namin is 1490. Bakit? kasi usually ang mga PON module, ang TX signal nya is 1490nm and ang RX signal nya is 1310nm. Ito yung wavelength ng light para makapag communicate si OLT at si ONU. Ibig sabihin, ang binabato ni OLT na signal is 1490nm and ang pinapakinggan nyang signal is 1310nm. So, since ang pag reading natin is sa client na, need natin malaman kung ano yung 1490nm na reading kung stable or hindi.
- so first reading is always syempre sa OLT, ano ba yung normal reading dito? Eto, panoorin nyo pero ang result is px20+ (3.1) and px20+++ (6.2)
3. Ano naman yung splitter loss? So paano ba basahin yan? Mag focus tayo sa port count and MAX LOSS para ready tayo sa worst. Lahat ng splitter may loss since yung iisang source ng ilaw ay i-split nya ng kung ano mang ratio or port count at humihina yung ilaw dun sa bawat port nya. For example, Port count 8, minimum nyan na loss is 9.7, average loss is 10.75, at ang max loss is 11.60.
4. Gawa tayo ng basic diagram, from OLT to Splitter to Client Nap to Client ONU
5. So tong diagram nag start sa OLT then dumaan sa 500m Fiber Optic Cable or FOC, then LCP Splitter, then 300m FOC to Client NAP then to Client ONU na. Bawat letter from A, B, C, D then to E, dapat binabasa natin yan. For example, sa PON 1, ito perfect ang paglatag mo, walang loss kundi yung splitter lang. Nag start sya sa 5.5 sa mismong module, then after nung 500m na fiber, bago pinasok sa LCP splitter, nag reading ulit, 5.5 pa din. so lossless sya. Then maximum pa din na loss sa 8 port which is 11.60. paano nakuha si -6.1? 5.5 from PON1 less 11.6 = -6.1 dBm. Then naglatag ulit ng 300 meters na FOC, lossless ulit, -6.1 pa din bago pinasok kay Client NAP. After naman ng client nap, -6.1 less -11.6 = -17.7 dBm
6. Pano naman yung PON2? Anong nangyari sa reading nya? Nag start sya, 5dBm lang, then pagkatapos ng 500m FOC, 3.5 na lang ang reading, meaning yung fiber mo na 500m FOC, may loss na kaagad na 1.5dBM. Unless na nag fusion ka, ganyan talaga ang reading nyan dahil sa mga ibang factors ng losses tulad ng insertion loss ng mga SC connector na ginagamit natin. Then si LCP splitter na 1:4 ay 8dBm ang loss, kaya naging -4.5dBM na lang yung sa letter C. Sa letter D naman, nagkaroon ka ulit ng loss na 1.5dBm sa 300m na fiber kaya -6dBm na lang. And so on and so forth..
7. Gets na? ganun mag reading, from OLT PON to FOC to LCP to Fiber to Client NAP to fiber to Client ONU. Mag start ng positive value then mag less tayo for each loss value then tignan kung pasok pa dun sa parameters ng modem natin.